Ilang negosyo sa Pasay pinayagang mag-operate ng 100%
MANILA, Philippines — Pinayagan na ng pamahalaang lungsod ng Pasay na mag-operate ng 100 porsyento ang iba’t ibang uri ng negosyo makaraan ang pagbabago sa panuntunan ng kanilang ‘community quarantine’.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto na ang desisyon ay base sa napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayors na amyendahan ang ilang regulasyon na ipinatutupad sa ilalim ng ‘general community quarantine’.
Kabilang sa mga negosyong papayagan ng 100% ay ang: financial services tulad ng money exchange, insurance, lending companies; legal and accounting; management consultancy; publishing at printing; film, music at TV production; recruitment at placement agencies para sa mga overseas Filipino workers; mga serbisyo tulad ng photography, fashion, graphics at interior design.
Kasama rin dito ang: wholesale at retail ng mga sasakyan, motorsiklo at bisikleta; repair shops; malls at iba pang commercial complex; wholesale at retail na mga establisimiyento sa lobo ng mga malls.
Maaari ring mag-operate ng 100% ang mga travel services. Ang mga hotel at accomodation establishments ay maaari nang tumanggap ng ‘staycation guests’ kung nakakuha ng sertipiko mula sa Department of Tourism (DOT).
Ang iba pang negosyo na pinayagan na ring mag-operate ang testing, tutorial, at review centers; drive-in cinemas, internet cafes at coputer shops basta magpapatupad ng mahigpit na physical distancing, pagsusuot ng face shield at masks, temparature checks at sanitasyon.
- Latest