NCRPO tutok sa minors sa malls
MANILA, Philippines — Mahigpit ang direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, P/Brig, General Vicente D. Danao Jr. sa kaniyang mga tauhan na huwag payagan ang mga menor-de-edad na magtungo sa mga mall sa Metro Manila ngayong holiday seasons.
“I have doubled visibility of PNP uniformed personnel in shopping malls and other areas of convergence not only to maintain minimum health standards and protocols but to ensure that children are not allowed to enter,” ani Danao.
“Without a doubt, the health and safety of our children is our primordial concern, thus, we cannot allow them to wander and contract the virus inside malls, dagdag pa niya.
Payo niya sa mga kabataan, manatili na muna sa bahay at huwag nang makipagsapalaran o magtangkang gumala lalo na sa mga mall at sa halip na mga barkada, gawing masaya ang okasyon sa piling ng pamilya.
Aniya pa sa mga magulang, isali ang mga anak sa paghahanda sa okasyon at iba pang aktibidad sa loob ng bahay upang maramdaman nila ang Pasko kahit hindi na lumabas ng tahanan.
- Latest