^

Metro

Mga simbahan sa Metro Manila napuno sa unang Simbang Gabi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga simbahan sa Metro Manila napuno sa unang Simbang Gabi
Sa simbahan ng Quiapo, umabot hanggang sa labas ang pila ng mga tao na salit-salitang pumapasok sa loob kapag natatapos ang misa.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dinagsa ng mga ma­nanampalatayang Katoliko ang halos lahat ng simbahan sa Metro Manila sa unang pagdaraos ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong nababalot ang mundo sa pandemya.

Sa simbahan ng  Quiapo, umabot hanggang sa labas ang pila ng mga tao na salit-salitang pumapasok sa loob kapag natatapos ang misa.

Tatlong magkakasunod na misa ang inum­pisahang isagawa mula nitong Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling araw ngunit nasa 300 lamang ang pinapayagang makapasok sa loob dahil sa ipinatutupad na ‘physical distancing’.

Dahil sa limitadong laman ng simbahan, nag­lagay naman ang Manila Cathedral at Sto. Domingo Church ng LED screens sa patio para makatunghay pa rin ng misa ang mga deboto na nasa labas.

Umabot naman sa halos 2,000 ang dumalo sa Simbang Gabi sa Bacla-ran Church sa Parañaque City ngunit hindi lahat ay nakapasok sa loob.

Naging mahigpit ang pagpapatupad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at shield at paggamit ng disinfectants.

DINAGSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with