^

Metro

Pamimigay ng libreng beep cards, umarangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamimigay ng libreng beep cards, umarangkada na
Nasa 2,500 beep cards para sa EDSA carousel bus ang sinimulang ipamahagi ng libre sa mga pasahero sa Mo-numento Caloocan station kahapon. Ito ay matapos na ihayag ni Pangulong Digong at ng DOTr na dapat na ilibre na ito sa mga commuters.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang pamimi-gay ng libreng beep cards para sa EDSA carousel bus.

Pumila ang mga commuters sa may EDSA busway station sa Monumento kung saan kailangan lang nilang mag-fill up ng form kasama ang valid ID kung saan kukunin sa kanila ang ilang personal na detalye para makuha ang libreng beep cards.

Load lang ng card ang kailangang bilhin o bayaran ng mga pa-sahero at wala nang sisi­ngilin sa card na dating nagkakahalaga ng P80.

Magugunitang nasa 125,000 beep cards ang sinasabing ililibre na sa mga commuters.

Ito ay matapos na magpahayag si Pangu­long Digong at maging ang DOTr na kaila-ngang libre ang beep cards para hindi na ma­ka­dagdag sa pasanin  ng mga mananakay.

 Sa mga nakabili  naman ng card, maaari pa rin nila itong gamitin dahil may mga bus sa EDSA busway na gumagamit lang ng beep, at wala silang konduktor.

Tinatalakay na rin ng DOTr kung paano mare-refund ang mga nakabili na nito.

 

vuukle comment

BEEP CARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with