^

Metro

2 motor nagsalpukan: 6 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 motor nagsalpukan: 6 sugatan
Kabilang sa mga nasaktan sina Marc Neil Jabonete, nagmamaneho ng isang Aerox type scooter at mga angkas niyang sina Ren Fernan at Allan Pornea. Sugatan din ang mga nakasalpukang sina Dennis Flores na nagmamaneho naman ng isang Sym brand na scooter at mga backrider niyang sina Aida Antiposo at Susan Tutay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sugatan ang anim katao makaraang magsalpukan ang sinasakyan nilang dalawang motorsiklo nitong Sabado ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga nasaktan sina Marc Neil Jabonete, nagmamaneho ng isang Aerox type scooter at mga angkas niyang sina Ren Fernan at Allan Pornea. Sugatan din ang mga nakasalpukang sina Dennis Flores na nagmamaneho naman ng isang Sym brand na scooter at mga backrider niyang sina Aida Antiposo at Susan Tutay.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, alas-4 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Reina Regente Street sa Binondo.

Binabagtas nina Flores ang kahabaan ng Recto Avenue nang pagsapit sa kanto ng Reine Regenta ay makabungguan ang scooter na minamaneho naman ni Jabonete. Dahil sa lakas ng salpukan, tumilapon sa kanilang mga motorsiklo ang mga biktima dahilan ng pinsala sa kanilang katawan.

MOTORSIKLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->