Access sa mga locally-based government hospitals sa Quezon City, nilimitahan
MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, nilimitahan na rin ng Quezon City government ang access ng mga tao sa mga ospital ng gobyerno na matatagpuan sa lungsod tulad ng Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, Philippine Lung Center at National Kidney and Transplant Institute.
Sa pinalabas na memorandum ni Mayor Joy Belmonte, nakasaad dito na bukod sa mga city-run hospitals ay hihigpitan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagpasok sa mga government hospitals sa lungsod bilang bahagi ng pag- iwas sa paglaganap sa naturang virus.
Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Persons Under Investigation (PUIs) for COVID-19 sa Philippine Heart Center.
Sa ilalim ng kautusan ni Belmonte, ang may access lamang sa naturang mga pagamutan ay ang mga pasyenteng kailangang gamutin, may maximum na 2 miyembro ng pamilya ng pasyente lamang , doctors at medical health professionals na naka-duty para sa essential medical o support services, mga taong magdedeliver ng essential supplies, at authorized government personnel.
Ipinaiiral din dito ang protocols para mamonitor ang lahat ng tao na nabigyan ng access sa mga pasilidad kung kailangang magsagawa ng contact tracing ng bawat indibidwal.
Ang lahat ng local emergencies at queries ay maaaring itawag sa Quezon City’s Task Force COVID-19 hotline, 122 at [email protected]
- Latest