13 Chinese huli sa mahjong sa kalsada
Mga kapitbahay nairita sa ingay
MANILA, Philippines — Nasa 13 Chinese nationals ang dinampot ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa pagsusugal ng mahjong sa isang kalsada na inireklamo ng mga residente dahil sa nililikha nilang ingay, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.
Kinilala ang mga inaresto na sina Zhu Xiao, alyas Jack Chen, 30; Wang Pan, alyas Robert Yap, 26; Jiang Ming Yun, alyas Lucas Li, 28; Mai Jing Hua, alyas Allen Yap, 23; Lyu Wenan, alyas Andy Gu, 26; Wu Wen Wei, alyas Jacken Ceng, 26; Tian Hao Chen, alyas Allan Liang, 25; Huang Lin Yu, alyas Brian Zan, 25; Zhang Ling, alyas Ting Liu, 28; Li Yan Fang, alyas Lucy Tan, 28; Cai Yan Hang, alyas Ava Lee, 25, Zeng Ying Yi, alyas Zing Yan, 25 at Ye Fan, alyas Rose Yang, 22.
Sa ulat mg pulisya, ala-1:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng Sub Station 2 ng Makati City Police ang pasugalan sa may kanto ng Sampaloc at Kamagong Streets sa Brgy. San Antonio, makaraang isumbong ng mga residente sa lugar dahil sa ingay at kaguluhan na dulot ng mga dayuhan sa loob ng dalawang araw.
Huli sa akto ng mga pulis ang mga dayuhan habang nasa kasarapan ng pagsusugal habang ang iba naman ay mga nagmimiron. Inaresto ng mga pulis ang lahat ng Chinese nationals na inabutan habang kinumpiska ang isang mahjong table na may 120 tiles, pera na aabot sa P8, 280 sa iba’t ibang denominasyon, 14 na cellular phones.
Unang dinala ang mga dayuban sa 24/7 Health Center sa Brgy. Palanan sa Makati City para sa medical inquest saka idiniretso sa Makati City Police Headquarters. Nahaharap na sila ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.
- Latest