^

Metro

Bahagi ng Aurora sa Cubao, pitong gabi na isasara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista dahil sa posibleng pagbigat sa trapiko sa Aurora Boulevard sa Cubao dahil sa isasarang bahagi nito sa loob ng pitong magkakasunod na gabi.

Ipinaliwang ng MMDA na isasara ang Aurora Boulevard, mula Oxford hanggang Imperial Streets para bigyang daan ang pagpapalit ng 11 escalator ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 sa Cubao Station.

Uumpisahan ang pagsasara sa westbound lane (patungong Maynila) sa Enero 25 (Sabado) mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-5 ng madaling araw.  Magpapatuloy ito hanggang Pebrero 1(Sabado).

Sa mga oras na isasara ang kalsada, malayang makakakilos ang pribadong kontraktor ng Department of Transportation (DoTr) na mailipat ang mga escalator units sa malalaking trak patungo sa Cubao Station sa pamamagitan ng mobile crane.

Pinili nila na isagawa ang paglilipat tuwing gabi para makaiwas na makadagdag pa sa mabigat na trapiko na nararanasan sa lugar.

Magkakaroon naman ng traffic re-routing sa mga natu­rang oras. Maaaring dumaan ang mga pribado at pampublikong sasakyan sa Yale Street o Oxfort Street, kumaman sa Columbia Street, kakaliwa sa Imperial o West Point Street hanggang sa makabalik sa Aurora Boulevard.

 

AURORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with