Number coding sa mga provincial bus, kinansela
MANILA, Philippines — Ilang piling araw ngayong Disyembre at sa Enero ay ipapatupad ang kanselasyon ng number coding para sa mga provincial bus dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Metro Manila.
Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga petsang Disyembre 23, 24, 26, 27 at 31 at Enero 2 sa kanselasyon ng “Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP)”.
“In order to accommodate more passengers during the holiday season in going to provinces and back, the implementation of the Metropolitan Manila Development Authority’s Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) or Number Coding for PROVINCIAL BUSES ONLY is lifted on the following dates,” ayon sa abiso ng MMDA.
Dahil dito, pinagbabawalan ang lahat ng traffic enforcers ng ahensya na manghuli ng mga provincial buses na daraan ng EDSA at ibang kalsada sa Metro Manila sa naturang mga petsa.
“All enforcement units are restricted from apprehending all provincial buses for UVVRP or Number Coding violation only on the said dates,” dagdag pa ng MMDA.
Hindi nakasama sa kautusan ang mga petsang Disyembre 25 at 30 at Enero 1 dahil sa ang mga ito ay ‘regular holidays’ at awtomatiko na kanselado ang number coding sa lahat ng sasakyan.
- Latest