2 ‘jumper boys’ sa Tondo, arestado
MANILA, Philippines – Timbog ng mga awtoridad dalawang lalaking kabilang sa ‘jumper boys’ na nakita sa isang video sa social media na tumangay ng pintuan ng truck , nang mamataan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, nakapiit na ang mga suspek na kinilalang sina Rowell Acayde, 21, residente ng Caring St , Tondo at isang hindi pinangalanang 13 -anyos .
Dakong alas- 8:00 ng umaga nang maaresto ang dalawa sa R-10 malapit sa panulukan ng Herbosa St., Tondo ng grupo nina P/Captain ERickson Evangelista.
Sinabi ni P/Lt. Colonel Christoper Navida, hepe ng MPD-Station 1, naalarma sila sa nag-viral na video footage ng mga suspek dahil nasasakupan nila ang lugar kaya nang makakuha ng impormasyon na muling gumagala sa nasabing lugar ang mga suspect ay tinungo at nasakote habang naghihintay na naman ng kanilang panibagong bibiktimahin.
Kilala na rin aniya, ng kanyang mga tauhan ang naarestong si Acayde dahil pang 13 kaso na itong kahaharapin kaugnay sa pagnanakaw.
Nakatakda namang ilagak sa Manila Department of Social Welfare ang menor-de-edad habang isasailalim sa inquest proceedings si Acayde sa kasong theft.
- Latest