^

Metro

2 nagpa-ransom ng kinarnap na sasakyan, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 nagpa-ransom ng kinarnap na sasakyan, tiklo
Kinilala ang mga nadakip na sina Julius Bumanglag, alyas Bong, 37, company driver, at si Remigio De Vera Jr., alyas Jon.
File

MANILA, Philippines — Nalambat sa ikinasang entrapment ope­ration ng mga tauhan ng Pasay City Police ang dalawang hinihinalang mga karnaper makaraang ipatubos sa kanilang biktima ang tinangay na sasakyan, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Julius Bumanglag, alyas Bong, 37, company driver, at si Remigio De Vera Jr., alyas Jon.

Sa ulat ng Pasay City Police, tinangay ng mga hindi nakilalang salarin ang Toyota Innova (AXA 1886) ng biktimang si Noel Dela Cruz, 51, habang nakaparada ito sa may Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City noong Nobyembre 1. Iniulat ito ni Dela Cruz sa pulisya na nagpalabas ng alarma para sa naturang sasakyan.

Tumawag sa biktima ang mga suspek at ipinatutubos ang kanyang sasakyan sa halagang P80,000. Dito dumulog sa Anti-Carnapping Unit ng Pasay City Police ang biktima kaya ikinasa ang entrapment operation.

Alas-4:10 ng hapon ng isagawa ang operasyon sa tapat ng isang restaurant sa may Seaside Boulevard sa Pasay. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan sila ng mga pulis makaraang abutin ang marked mo­ney buhat sa biktima.

Narekober din ng mga pulis ang kinarnap na sasakyan ng biktima na nakaparada malapit sa lugar. 

vuukle comment

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with