263 kilo ng botcha, nasabat sa Maynila
MANILA, Philippines – Nasa 263 kilo ng mga hinihinalang botcha ng karneng baboy at baka ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa New Antipolo Market sa Blumentritt.
Ayon kay VIB Chief Dr. Nick Santos, ang 263 kilong pork ribs ay may masangsang at mabaho nang amoy at hindi na rin sariwa.
Bukod dito wala ring maayos o wastong lagayan ng karne na patunay na nilabag ng mga nagtitinda ang Republic Act No. 10611 o Food Safety Act gayundin ang Republic Act No. 10536 o “Meat Inspection Code of the Philippines.”
Kinuha naman ng Manila VIB at NMIS Enforcement Team ang mga botcha para sa tamang disposisyon.
Dagdag pa ni Santos, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa mga nagkalat na botcha lalo na ngayong magpa- Pasko.
Hindi umano dapat na malagay sa alanganin ang kalusugan ng publiko dahil sa pansasamantala ng ilang negosyante.
- Latest