Motorista na bubuntot sa SEAG convoy binalaan ng MMDA
MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaway na motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbuntot sa convoy ng mga delegado ng Southeast Asian Games (SEAG).
Sinabi ni MMDA spokespersonal Asst. Secretary Celine Pialago na isa ito sa nakita nilang problema sa ginanap na “simulation” ng SEAG convoy sa Metro Manila nitong nakaraang Huwebes.
“Private vehicles were seen following the convoys, this is a big no no,” ayon kay Pialago. Bukod sa posibleng panganib sa convoy, lumalabag din ang mga pribadong motorista sa pagpasok sa yellow lane para sumunod at mapabilis ang kanilang biyahe.
May dalawa pang napansin ang MMDA sa simulation na kanilang sosolusyunan. Isa rito ang kailangan pa ng maayos na ‘deployment’ o pagtatalaga ng kanilang mga tauhan sa mga interseksyon na kalsada sa EDSA upang mas maayos na maipatupad ang ‘stop and go scheme’.
Napansin din na patuloy ang pagpasok sa ‘yellow lane’ ng mga pribadong motorista kahit na may human barricade silang inilalagay at sa kabila ng kanilang anunsyo.
Nasa 2,000 tauhan ng MMDA ang ikakalat nila sa mga kalsada para magsilbing ‘human barricade’ sa rutang daraanan ng convoys.
- Latest