Ang smart rider ay safe rider: Mag-enroll sa Learn To Ride Safely ng Motortrade
MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, masasabi na nating traffic congestion ay “the rule rather than the exception” sa bansa. Sa katunayan, umabot na tayo sa puntong wala nang pinipiling oras o araw ang traffic.
Sadyang hindi din maasahan ang mass transit system natin kaya motor ang nagiging pinaka-viable na paraan ng pagbyahe ng mga Pilipino. Bukod sa maliit at madaling i-maneuver sa masikip na daan, ito ay matipid din.
Higit pa rito, ang paggamit ng motorsiklo ay hindi na limitado sa pang personal na byahe o pang-serbisyo lang kundi pang-business at -leisure trips na rin. Kapag Sabado at Linggo, maraming grupo ang nag-oorganisa ng mga touring rides para makita ang magagandang tanawin at pati narin ang kakayahan ng motorsiklo.
Tandaan lang na kahit ano pa ang motorcycle riding lifestyle mo—distance rider o daily commuter—kaligtasan ang laging isaalang-alang. Kasabay ng pagtaas ng motorcycle riding population ay ang pagtaas ng aksidenteng sangkot ang motor.
At ang kadalasang dahilan ay ride error ayon sa data ng gubyerno. Ibig sabihin, kapag kulang ang kaalaman natin sa road safety at hindi rin tayo equipped ng tamang riding skills, mas may tsansa na masangkot sa aksidente sa daan.
Kailangan nating aminin na karamihan sa ating mga riders ay natutong magmotor sa tulong ng kaibigan o kamag-anak na malamang ay natuto lang din sa kaibigan o kamag-anak. Ang problema dito, hindi lahat tayo ay may tamang kaalaman para magturo ng safe motorcycle riding techniques sa iba.
Samakatuwid, kapag mali ang turo, mali din ang matututunan. Maaari itong magbunga ng henerasyon ng ill-equipped motorcycle riders. Kapag hindi ligtas ang pagmomotor mo, paano ito magiging kasiya-siya?
Mabuti na lang at may mga institusyon na ngayon na nag-aalok ng safety riding lessons para sa lahat.
Maliban sa Honda Safety Driving Center, pwede ring mag-enroll sa Learn to Ride Safely (LTRS) ng Motortrade.
Ang Motortrade ang unang multi-brand motorcycle dealer na nagtayo ng safety riding clinic para sa mga customers nito, lalo na ang mga first-time owners.
Ang LTRS ay may classroom sessions at actual demonstrations. Kumpara sa ibang driving schools, mas abot-kaya rin ang enrollment fee sa halagang P400.
Pag-aralan ang pagsusuot ng tamang protective riding gear para mabawasan ang tsansa ng injury; ang pagiging aware sa iyong kapaligiran at pagkakaroon ng road courtesy dahil hindi lang ikaw ang gumagamit ng kalsada; ang pagsunod sa traffic rules and regulations, hindi lang para maka-iwas sa penalty pero para hindi ka rin maging sanhi ng problema sa iba at sa iyong sarili.
Maliban sa mas affordable ang LTRS, mas convenient din ito dahil available sa mga Motortrade branches nationwide. Dagdag mo pa dito na libre na ang enrollement fee mo kapag naisipan mong bumili ng motorsiklo sa Motortrade.
Abangan din ang mga special events at seminars ng Motortrade sa buong bansa.
Kamakailan ay nakipag-tulungan ang Motortrade sa Honda Philippines Inc. (HPI) para sa Safety Riding Festival 2019 na unang ginanap sa Tarlac Recreational Park sa Tarlac City, at sinundan pa sa Rizal Park, Naga City.
Ang tema nito ay safety at wellness ng bawat rider na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang mga motorcycle riders tungkol sa ligtas at tamang pagmamaneho ng motorsiklo. Ito ay dinaluhan ng higit 1,000 riders at enthusiasts. Nakadalo na sila ng riding seminar ng Motortrade expert trainors, naka-enjoy pa ng live concert mga raffle prizes.
Asahang pupuntahan ng Motortrade at Honda Philippines ang lahat ng rehiyon para magsagawa ng isang malaking Safety Riding Festival.
Isa na ang Laoag City sa napiling lugar na pagdadausan ng nasabing event na kung saan ay sinisumulan ng organisahin at planuhin para sa isang makabuluhang pagtitipon ng mga motorcycle riders at enthusiasts. — Gilbert Chao
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Learn to Ride Safely o para sa schedule ng darating na events, pumunta lamang sa pinakamalapit na Motortrade branch sa inyong lugar. Bisitahin din ang http://motortrade.com.
- Latest