^

Metro

9 na miyembro ng KFR hinatulan ng life

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng QC Regional Trial Court ang siyam na miyembro ng Amolo kidnap-for-ransom group matapos mapatunayang guilty sa kasong pagdukot sa isang bank executive na si Ramon Murillo noong June 2008.

Sa kanyang desis­yon, bukod sa life impri­sonment ay pinagbaba­yad din ni QC RTC Branch 101 Judge Evangelin Marecomen ang mga ­akusadong sina Florentino Amolo, Arnold Aquino, Regie Reyes, Edgardo Hernandez, Melchor ­Herrera, Lino Carangan, Alvin Lacandaso, Reynante Alcazar at Jocelyn Perolino ng tig-P450,000 kaugnay ng kaso.

Ang mga suspek ay naaresto ng PNP PACER sa isang mall sa Pasay City nang magkabayaran ng ransom na P1 milyon mula sa dating hinihinging P50 milyon ranson.

Umaabot lamang sa P850,000 ang nabawi ng mga otoridad sa mga akusado.

LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with