LRMC: Taas-pasahe sa LRT-1, epektibo na sa Abril 2
MANILA, Philippines — Inihayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang nakatakdang pagpapatupad ng taas-pasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula sa Abril 2, 2025.
Ayon sa LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang taas-pasahe ay kasunod na rin nang pag-apruba ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang revised fare matrix.
Sa isang notice na may petsang Pebrero 14, 2025, na nilagdaan ni Railways Undersecretary Jeremy Regino, inimpormahan ng DOTr ang LRMC hinggil sa pag-apruba sa bagong fare formula para sa LRT-1.
Dahil dito, ang kasalukuyang fare formula para sa LRT-1 ay P13.29 boarding fee at P1.21 increment per kilometer travel, ay itataas at gagawing P16.25 boarding fee at distance fare na P1.47 kada kilometro.
Nangangahulugan rin ito na ang minimum fare na P15 ng LRT-1 ay magiging P20 na habang ang maximum fare na P45 para sa single journey end-to-trip ay tataas at magiging P55 naman.
- Latest