^

Metro

Produkto ng San Miguel Foods, ligtas sa African Swine Fever

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng San Miguel Foods na nananatiling laging ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng napapabalitang pagkalat ng African Swine Fever. 

Ayon sa San Miguel Foods, ang mga produkto nitong Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa iba’t ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety. 

Isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito at dahil sa “grain-fed” ang mga baboy nito. Ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga baboy ay gawa sa mga state-of-the-art feedmills ng B-MEG sa ilalim pa rin ng kumpanya. 

Ang mga hog farms at pasilidad ng kompanya ay sumusunod rin sa istriktong animal health at biosecurity protocols. 

Maliban dito, bago pa man ma-distribute ang mga produkto ay may kaukulang permit na ang mga ito mula sa Bureau of Ani­mal Industry at National Meat Inspection Service.

vuukle comment

SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with