Gender Fair City Ordinance nilabag ng mall - Mayor Joy
MANILA, Philippines — Ipinagtanggol naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang karapatan ng isang trans woman na gumamit ng female CR sa Farmers Plaza mall sa Cubao.
Ayon kay Belmonte, malinaw na paglabag sa ipinaiiral na Gender Fair City Ordinance ang nangyari kay Gretchen Diez.
Ani Belmonte, matindi ang paglabag sa batas na ginawa ng mall na bukod sa matinding diskriminasyon na ipinamalas kay Diez sa kamay ng janitress ay bigo ang mall na magtayo ng all-gender toilets para sa LGBT community.
Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) na huwag bibigyan ng permit ang establisimiento kung may paglabag sa gender fair ordinance.
“Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT,” sabi ni Belmonte.
- Latest