^

Metro

Libreng sakay ng MRT-3, LRT-1 sa Independence Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay ng MRT-3, LRT-1 sa Independence Day
Batay sa inisyung paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ng MRT-3 ay maaaring i-avail ng kanilang mga commuters sa pagitan ng alas- 7:00- 9:00 ng umaga at alas- 5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa nalalapit na pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12.

Batay sa inisyung paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ng MRT-3 ay maaaring i-avail ng kanilang mga commuters sa pagitan ng alas- 7:00- 9:00 ng umaga  at alas- 5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

 “Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2019, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr sa MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas,” bahagi ng anunsyo ng DOTr.

Samantala, kinumpirma na rin naman ni LRT-1 Corporate Communications head na si Rochelle Gamboa na magpapatupad din sila ng libreng sakay sa kahalintulad na oras para sa kanilang mga pasahero sa Araw ng Kalayaan.

Habang wala pa namang anunsiyo ang LRT-2 kung magbibigay din sila ng free ride sa kanilang commuters bilang pakikiisa sa naturang mahalagang okasyon.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with