^

Metro

14-anyos na katandem ng holdaper nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
14-anyos na katandem ng holdaper nasagip
Mandaluyong Map
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nasagip ng Mandaluyong Police ang isang 14-anyos na binatilyo na katandem ng isang 23-anyos sa panghoholdap sa Mandaluyong City kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat, agad na dina­kip na si alyas “John,” ­rider ng Honda Click motorcycle at kinustodiya ang backride nito na 14-anyos Child-in-Conflict with the Law (CICL) na kasabwat sa panghoholdap sa 43-anyos na biktima, na naglalakad sa Shaw Boulevard corner Kalentong dakong ala-1:40 ng madaling araw ng Oktubre 25.

Nilapitan ng nakamotorsiklong mga suspek ang biktima sa tapat ng China Bank at pinagbantaan na aatakihin ng 14-anyos habang nakapasok ang isang kamay sa loob ng kanyang damit, na pinalabas na may nakatagong armas, at sapilitang inagaw ang bag.

Nagtatakbo ang biktima sa direksyon ng Haig St. at nakasalubong ang nagpapatrulyang mga pulis na rumesponde sa kanyang reklamo.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa at narekober ang bag na kinumpiska ang motorsiklo, isang screwdriver, mobile phones, at iba pang personal na gamit.

Nailipat na ng kostudiya ang CICL sa Mandaluyong City Department of Social Welfare and Development para sa counseling at discernment evaluation, para sa ipatutupad na batas at proseso para sa CICL.

SHAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with