Solon umalma sa pekeng socmed pages

Paninira gumagamit ng AI posts
MANILA, Philippines — Aaksyunan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamong inihain ng isang kongresista ng Quezon City laban sa mga social media pages na nagpapanggap na lehitimong media outlet para magpakalat ng mga mapanira at gawa-gawang balita at paggamit ng AI generated media para papaniwalain ang publiko.
Nabatid na nitong Biyernes, Oktubre 16, nang magsumite si Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas sa NBI-Cybercrime Division ng reklamo at forensic pieces of evidence, kabilang ang mga screenshots, URL digital traces, preliminary identification ng mga pinaghihinalaang indibidwal, at administrators ng Facebook pages.
Sa pahayag ni Vargas nitong Sabado, binalaan niya ang nasa likod ng umano’y “maliscious accounts at trolls networks” na gagamitin ang lahat ng legal na paraan upang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga ito, sasampahan ng mga kasong criminal, administratibo, at ipasasara ang kanilang mga account.
- Latest




















