^

Metro

Kahit umulan, ‘di pa sapat para mapuno ang mga dam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagam’t nagkaroon  ng mga pag-ulan nitong nagdaang mga  araw, hindi pa rin ito sapat upang mapunan muli ang Angat Dam at La Mesa Dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig para sa mga taga -Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Jeric Sevilla, Group Head - Corporate Strategic Affairs ng Manila Water, posible pa rin umanong  lumala ang sitwasyon sa suplay ng tubig.

Anya, kailangan ng sunud- sunod na pag -ulan sa bahagi ng naturang mga dam bago mapunan ang kailangang tubig dito.

“Ikinatutuwa namin ang pag-ulan sa Metro Manila nitong mga nagdaang araw, pero  hindi pa rin kami maaaring magpaka-kampante dahil  hindi pa sapat ang pag-ulang ito upang maibalik ang La Mesa Dam sa normal na water level nito na mula 78 hanggang 79 meters. “pahayag ni sevilla.

Sinabi nito na ang  malakas na buhos ng ulan noong Miyerkules ng  gabi ay nakapagdagdag lamang ng 10 centimeters sa  water level, na ngayon ay nasa 68.55 meters, na mas mababa pa rin sa critical level na 69 meters.

Bukod dito, sinabi ni Sevilla na dahil nasa mas mababa pa sa critical level ang tubig sa La Mesa dam,  natuyot ang ilang bahagi nito at maaaring maging putik kapag nabasang muli ng ulan, na siya namang makaaapekto sa kulay ng tubig.

“Kailangan naming pag­handaan ito dahil maaari pang magtagal bago manumbalik sa normal ang ‘turbidity’ o pagkakaiba ng kulay ng tubig,” paliwanag pa ni Sevilla.

ANGAT DAM

LA MESA DAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with