Brgy. officials pinakikilos kontra ‘tambay’
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pulisya na makipagtulungan sa mga bagong halal na barangay officials hinggil sa pagdidisiplina ng mga ‘tambay’ sa kanilang nasasakupang lugar.
“Actually disciplining community members should be in the hands of the bara-ngays,” ayon kay Belmonte sa implementasyon ng PNP sa ordinansa ng QC tungkol sa mga tambay sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, kung may pagtutulungan ang magkabilang panig, higit na mapapagaan ang mabigat na tungkulin ng mga pulis para dito.
Anya, ang pagdidisiplina ay dapat na naipatutupad sa barangay level at hindi na sa level ng mga kapulisan.
“[General Esquivel] said that the campaign is not actually against loiterers per se but against violators of city ordinances including for example walking around in public places naked, or gambling publicly, or smo-king publicly, or violating disciplinary hours,” ani Belmonte makaraang makipag usap kay CPD Chief Joselito Esquivel.
“These are all local ordinances that are really prohibited in our ordinances and these are what they are cracking down on,” dagdag pa ni Belmonte.
Samantala, sinabi ni Esquivel na maganda ang resulta ng kampanya ng lokal na pamahalaan kontra ‘tambay’ at bumababa na ang bilang ng kanilang mga naaresto.
Sa record ng NCRPO may 20, 979 na mga nahu-ling lumalabag ng ordinansa simula noong Hunyo 13 hanggang Hunyo 29, 2018.
- Latest