^

Metro

Kelot sa car loan modus, tiklo ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalambat sa  isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation-Anti-Fraud Division (NBI-AFD) ang isang lalaki kaugnay sa pamemeke ng mga dokumento para makatangay ng sasakyan, sa isinagawang entrapment operation sa NAIA Terminal 1, Pasay City noong nakalipas na Martes.

Nahaharap sa kasong Estafa thru Falsification of Commercial Document / Falsification of Public Document sa Pasay City Prosecutor’s Office ang suspek na si Junjie Banaag Alimparos, na guma­gamit ng mga pangalang “Jeffrey Tuazon Yap, Angelo Tuazon Yap, at Jeffrey Reyes Cruz” sa pambibiktima niya ng mga dealer ng sasakyan.

Sinabi ni NBI Director Dante Gierran, na noong Hunyo 1, 2018, inireklamo ng Rizal Autozone, Inc., dealer ng Honda cars, ang ginawang panloloko ng suspek noong Mayo 25, 2018 sa kanilang Honda Rizal Branch gamit ang pangalang Jeffrey Tuazon Yap, sa pag-order ng Honda CRV unit, sa pamamagitan ng tawag sa telepono at nagsu-mite din umano ng dokumento kabilang ang na-aprubahang Purchased Order mula sa Malayan Bank, na inakala nilang authentic.

Isinumite rin umano ng suspek ang Driver’s License at PRC License bilang suporta sa loan application sa Malayan Bank subalit nang mai-release na sa suspek ang sasakyan ay nadiskubre ng dealer na pawang peke at dinoktor ang mga isinumiteng dokumento ng suspek.

Natuklasan din ng Rizal Autozone, Inc. mula sa kanilang branch sa Carmona, Cavite na naka-order din ang suspek ng Honda CRV sa isang sales agent na inutusan pa nitong iparehistro ang unit sa pangalan na Angelo Tuazon Yap, na kaniya umanong kapatid na reregaluhan nito. Natukoy din na gaya ng modus ay gumamit din ito ng pekeng mga dokumento para gamitin ang ibang pangalan.

Pinalabas niya sa Carmona Branch ang Angelo Tuazon Yap ay kapatid niya base sa ipinadalang mga dokumento subalit lumabas na ang litrato ay eksaktong iisa ang mukha sa isinumite ng Jeffrey Tuazon Yap.

Dahil sa nakabinbing order sa Carmona Branch ng na­sabing dealer, ikinasa ang entrapment at isang NBI agent ang nagpanggap na sales agent na nagdeliber ng Honda CRV Unit dahilan upang siya ay maaresto sa pagtanggap ng delivery sa napagkasunduang lugar sa NAIA Terminal 1, sa Pasay City.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-ANTI-FRAUD DIVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with