^

Metro

Salpukan ng ambulansiya at jeep, 7 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong pasahero ang nasugatan nang magsalpukan ang pampasaherong jeep at ambulansya sa Barangay Pinyahan, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 9:30 ng umaga nitong Martes nang maganap ang aksidente sa intersection ng Kalayaan Ave., at V. Luna Road, sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Dra. Sarah Mae Pulmares; Rodolfo Gobangco Libunao; Rowena Lozada Erta; Racel Arilla Asis, at isang hindi pa nakilalang pasahero ng jeep.

Nagtamo rin ng galos sa katawan ang driver ng ambulasiya na Edward Bantuan Carreon at ang mangangalakal na si George Camacho, 56, na natutulog sa kalsada.

Sa imbestigasyon, binabaybay umano ng ambulansya na may plakang plate SAB 8950, na minamaneho ni Car­reon ang kahabaan ng V. Luna Road patu­ngong East Avenue upang dalhin ang pasyente sa Philippine Heart Center nang masalpok ng pampasaherong jeep galing sa Kalayaan Avenue.

Dahil sa lakas ng impak ay bumangga pa ang ambulansiya sa isang puno at sa kariton ni Camacho dahilan upang mabasag ang windshield nito at nawasak ang kanang bahagi ng sasakyan.

Nailipat naman agad ng mga rumespondeng rescue team ng Barangay Malaya, ang pas­yenteng sakay ng naaksideng ambulansya sa nasabing ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente habang tinutugis ang tumakas na driver ng jeep na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with Multiple Physical Injury.

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with