Bagong school building sa Quezon City, bubuksan na ngayong pasukan
MANILA, Philippines — Bubuksan na ngayong pasukan ang bagong four-storey senior high school building sa Batasan National High School bilang dagdag silid aralan sa lumaking populasyon ng mga mag- aaral sa Quezon City.
Ang bagong school building ay may 12 classrooms at 6 na laboratories na maaaring gamitin ng may mahigit 2,000 senior high school students ng Batasan National High School.
Ang mga laboratories ay may state-of-the-art scientific at technical equipment na akmang akma sa pangangailangan sa pag aaral ng mga Senior highschool sa Science and Technology, Engineering at Mathematics (STEM), ICT (Information and Communication Technology) at ABM (Accounting and Business Management).
Ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng pondo para sa pagkakaroon ng technical equipment para sa science at speech laboratories, gayundin ng mga IT equipment at software para sa computer laboratories para matiyak na ang mga senior high school students ay makakatanggap ng globally competitive education na akma sa international standards.
Sa ngayon, may 157 na ang kabuuang bilang ng instructional classrooms sa QC na magagamit ng mga mag -aaral ng Batasan National High School para sa susunod na school year. Kasama na sa naturang bilang ang mga silid-aralan na naipatayo ng national government.
- Latest