^

Metro

2 parak ‘dawit’ sa illegal drugs, utas

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang pulis na sinasabing dawit sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasawi sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at sa Quezon City.

Sa Pasig City, utas maka­raang pagbabarilin ng riding in tandem si PO2 Miguel Turaray, ng Brgy. Bagong Ilog.

Ayon kay EPD director Se-nior Supt. Romulo Sapitu­la naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi sa San Roque St., Brgy. Bagong Ilog sa lungsod.

Sinasabing nakatayo ang biktima sa lugar nang pumarada sa kanyang harapan ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspect  at walang sabi-sabing pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo ang pulis dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon kay Sapitula, si Turaray ay aktibong pulis na nakatalaga sa National Ca-pital Region Police Office’s (NCRPO) Regional Police Hol­ding Administrative Unit of Headquarters Support Service (PHAU-HSS).

Nabatid sa rekord na ni-relieved si Turaray dahil sa kanyang involvement sa illegal drug trade sa Brgy. Bagong Ilog at mga kalapit na area sa Pasig.

Bukod sa ‘drug peddling’ ay sinasabing gumagamit din ng droga ang pulis at sangkot din sa malalaking persona­lidad na nagpapakalat ng bawal na gamot sa Eastern Part ng Metro Manila. 

Sa Quezon City patay din sa ikinasang buy-bust operation si PO1 Reyadzper Ibba, 34, nakatalaga sa Police Station-3 ng QCPD, at residente ng Brgy. Culiat sa lungsod.

Ayon kay PO2 Jerome Dolente, may-hawak ng kaso, naka-engkwentro ni Ibba ang mga tropa ng Regional Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (RAID-SOTG) na pinamumunuan ni P/Senior Insp. Jansky Jaafar at pitong personnel nito.

 Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue, SB Road, malapit sa kanto ng Gen. Luis Avenue, Brgy. Nagkaisang Nayon, sa liungsod dakong alas-6:30 ng hapon sa ikina-sang  isang buy-bust operation.

Sa gitna ng transaksyon ay biglang nagbunot ng baril ang huli at pinaputukan ang mga una.

Gumanti naman ng putok ang mga operatiba dahilan ng pagkasawi ni Ibba.

Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril. Nakakuha rin ang mga operatiba sa bulsa ng suspek ng dalawang plastic sachet  ng shabu, isang Glock 17 pistola na may 11 bala; at extra na magazine na may 30 piraso ng bala, at isang Suzuki Raider 150 (3346-TA).

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with