MMDA constables, hindi magda-diaper sa prusisyon
MANILA, Philippines – Walang balak ang pamunuan ng MMDA na pagsuutin ng diaper ang kanilang mga traffic enforcers na itatalaga para magbantay at mangasiwa sa daloy ng trapiko sa gagawing prusisyon ng Irtim na Nazareno sa darating na Sabado.
Ito ang ipinahayag kaha- pon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos kasabay nang pagsasabing hindi na komportable para sa kanilang mga tauhan ang pagsusuot ng diaper habang ginagawa ang kanilang trabaho.
Matatandaan, na noong nakaraang taon ay pinagsuot ng diaper ang mga itinalagang traffic constables nang sa gayon ay hindi na aalis pa ang mga ito sa kanilang puwesto kapag dumating ang “tawag ng kalikasan”.
Nauna nang inanunsiyo ng MMDA, na mahigit sa 1,600 tauhan nila ang ipapakalat sa bahagi ng Quiapo sa dara-ting na Sabado upang pangasiwaan ang daloy ng trapiko habang isinasagawa ang prusisyon ng Black Nazarene.
- Latest