Para iwas sunog: Gagamiting Christmas lights suriin - BFP
MANILA, Philippines - Ilang araw na lang ay Pasko na, kaya naman doble na ang paalala ng kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na doblehin ang pag-iingat sa mga gagamiting palamuti, lalo na ang mga christmas tree at parol sa kanilang mga tahanan para iwas sunog.
Ayon kay Supt. Renato Marshal, tagapagsalita ng BFP-National Capital Region, madalas na may nagaganap na sunog kapag malapit na ang kapaskuhan dahil karamihan sa mga residente ay hindi pa bukas ang kaalaman kung papaano kukuha ng produktong ligtas na gamitin o kaya ay papaano ang tamang paggamit nito.
Sabi ni Marshal, partikular na dapat na tandaan ng publiko na ang dapat na bilhing gamit ay hindi sub-standard, tulad ng mga nabibili lamang sa murang halaga dahil karamihan sa mga ito ay mga peke at hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng Department of Trade and Indusrty (DTI) at kung may Import Commodity Clearance (ICC) na nakamarka bilang patunay na ito ay tumutugon sa standards at ligtas na gamitin.
Dahil may ilan sa mga negosyante ang namemeke ng markang ICC kailangan anyang suriin maigi ang produkto sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga ekspertong electrician nang makaiwas sa sunog.
Bukod dito, ilayo din anya ang mga gamit sa mga combustible o madaling masunog tulad ng carpet, kurtina at mga papel. Mas nakakaiigi anyang malaman kung ano ang dapat na gamitin sa labas o loob ng kanilang tahanan dahil madali itong masira o magshort circuit.
Iwasan din anya ang gumamit ng nakakaraming palamuting de kuryente na maaring ikabit ang linya sa iisang saksakan dahil magdudulot ito ng overloading na maaring pagsimulan ng sunog.
Ang higit sa lahat, giit ni Marshal ay maging responsable at sa taas ang level ng conciousness ng bawat publiko na kapag alam na delikado ay huwag ng piliting gamitin pa. Tanggalin anya ang mga nakasaksak ng kuryente kapag aalis ng bahay o matutulog sa gabi.
Gayunman, kung nagtitipid at nais pa ring gamitin ang mga palamuting christmas lights na nagamit na noong nakaraang taon.
Sabi ni Marshal, maari pa rin anya itong gamitin depende sa naging pangangalaga nila dito o kaya ay obserbahan ang mga wire kung maayos pa.
- Latest