^

Metro

Pasahero tinangkang tubuhin ng driver... May-ari ng Grab car, sinubpoena ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinubpoena kahapon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang may-ari ng isang grab car taxi matapos ireklamo ang driver nito sa akmang panunubo ng pasahero noong November 20 ng gabi.

Ito ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB ay upang dumalo sa itinakdang public hearing ng board ngayong Martes ng umaga   ang may- ari ng grab car taxi na may plakang UVG 290 na nakarehistro sa isang Teresita Transport Inc. ng Marulas Valenzuela.

Nabatid na nagsumbong sa LTFRB si Jonathan Barcelon na nagsabing tutubu­hin siya ng driver ng naturang sasakyan nang magkaroon sila ng mainitang  pagtatalo dahil sa isyu ng traffic.

Sa pagkakataong ito, pinaharurot umano ng driver ang sasakyan at saka itinigil sa isang madilim na lugar sa Pasay City saka sabay labas ng sasakyan ng driver na may hawak ng tubo na akmang sasaktan si Barcelon.

Sa takot ay nanginginig na lumabas ng sasakyan si Barcelon pero bago umalis sa lugar ay pinagbayad muna umano siya ng driver ng  P300.00 kahit  hindi siya naihatid sa kanyang destinasyon.

Magugunitang kamakailan ay isa namang driver ng Uber taxi ang naireklamo ng isang stewardess  dahil sa akmang panunubo din ng driver nito sa isang lugar sa Pasig City.

“Tubo is for emergency use for the car but not to be use as their weapon” dagdag ni Inton.

ACIRC

ARIEL INTON

BARCELON

DRIVER

INTON

JONATHAN BARCELON

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

MARULAS VALENZUELA

PASAY CITY

PASIG CITY

TERESITA TRANSPORT INC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with