11 ‘tiktik’ tumanggap ng P2.6-M reward sa PDEA
MANILA, Philippines – Labing-isang sibilyang impormante ang nabigyan ng kabuuang P2.6 million cash na gantimpala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bunga ng impormasyong ibinahagi nila na nagresulta sa pagkakabuwag sa malalaking sindikato ng iligal na droga sa mga komunidad.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang gantimpala ay ibinigay sa ilalim ng PDEA Operation: Private Eye (OPE), isang insentibo para mahikayat ang publiko o pribadong mamamayan na ireport ang mga pinaghihinalaang iligal na aktibidad sa kanilang komunidad.
Tinukoy ni Cacdac ang mga impormante sa pamamagitan ng kanilang codename na Cold Ice, Rain, Thor, Aso, Spawn3, Oxford, Spawn2, Teteng, June-June, Spawn1 at Charlie. Sila anya ang ugat para maaresto ang ilang personalidad sa droga at pagkakasamsam ng bulto ng halaga ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, marijuana, ecstasy at cocaine.
Isinagawa ang pamamahagi ng rewards sa 11 impormante sa PDEA National Headquarters sa Quezon City kahapon ng umaga.
Sa mga impormante tanging si “Cold Ice” ang tumanggap ng pinakamalaking gantimpala sa halagang P2,000,000 bunga ng ibinahagi nitong impormasyon sa Quezon City DAID-SOTG para masamsam ang 44,314.84 gramo ng shabu at pagkakaaresto sa dalawang pushers sa West Avenue, noong June 11, 2015.
Sumunod ay si “Rain” (P97,227.70 cash) dahil sa pagkakasamsam ng 2,515.7 gramo ng cocaine at pagkakadakip ng isang drug personality sa kahabaan ng Makati Avenue, Makati City noong January 11, 2015.
Ang mga sumunod ay sina “Thor” (P88,920.00) para sa pagkakarekober ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) 1,010 ecstasy tablets sa Philpost Central Office, Parañaque City noong January 8, 2015. Spawn 3 (76,659.25); “Oxford” (P68,936.67); “Spawn2” (P60,569.18); “Teteng” (P50,224.36); “June-June” (P48,879.96);
“Spawn1” (P43,639.16); at “Charlie” (P33,866.45).
- Latest