Lubak sa Macapagal Avenue sinimulan nang tapalan
MANILA, Philippines – Matapos ang matinding mga pagbatikos ng maraming mga motorista sinimulan na kahapon ang pagkumpuni o rehabilitasyon sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue sa Parañaque City.
Dahil dito, kaya’t magpapatupad ng re-routing ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA.
Nabatid, na pansamantala munang isinara ang kahabaan ng Macapagal Avenue dahil sa road repair at ang mga motorista, mga pampasaherong bus at malalaking truck ay dadaan muna sa Roxas Boulevard, na inaasahang lalung bibigat ang daloy ng trapiko dito.
Sa ipinadalang sulat ni PRA general manager Peter Anthony Abaya sa tanggapan ng MMDA, kinakailangang isara ang ilang portion ng kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue, Soutbound lane sa pagitan ng Belle Avenue at Juan Macaraeg Bridge, Parañaque City (harapan ng Gerry’s Grill at Shakeys) dahil sa major repair at isasagawa ang rehabilitasyon dito.
Ito ay dahil nga sa naglalakihang butas o lubak kung bumabagal ang takbo ng mga sasakyan na nagsasanhi nang pagbigat sa daloy ng trapiko sa lugar.
Sa darating na Setyembre 25 inaasahang matatapos ang naturang rehabilitasyon.
- Latest