^

Metro

Pabrika ng tela sa Valenzuela nasunog, 1 patay sa atake

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae ang nasawi makaraang atakehin sa puso sa sumiklab na sunog na tumupok sa isang pabrika ng tela malapit lang sa nasunog na Kentex factory sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-11:45 ng umaga nang unang sumiklab ang apoy sa Larry’s Textile factory sa may JB Juan St., Brgy. Ugong, ng naturang lungsod. May kalahating kilometro lamang ang pabrika sa natupok na Kentex.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakaki­lanlan sa nasawi na residente malapit sa pabrika na nag-panic at inatake sa puso nang lumaki ang apoy. Wala namang iba pang naiulat na nasaktan o nasawi sa loob ng pabrika.

Nabatid na dakong alas-12 ng tanghali nang itaas ang alarma sa Task Force Bravo at nirespondehan ng higit sa 20 trak ng bumbero. Habang isinusulat ito ay patuloy pa ang pakikipaglaban ng mga tauhan ng Valenzuela Fire Department at mga volunteer fire group sa apoy.

Sinabi ni Ray Sousa, tagapagsalita ni Mayor Rex Gatchalian na kanilang ipakakansela ang business permit ng naturang pa­brika at idineklarang “dangerous structure”.

Ito ay makaraan na mapansin ang ilang paglabag sa istruktura ng gusali at nakadikit na mga iskuwater sa bisinidad.

Ayon naman sa mga residente, dati na umanong nasunog ang pabrika ngunit nagpalit lamang ng pangalan at muling nakapag-aplay ng business permit.

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

JUAN ST.

KENTEX

MAYOR REX GATCHALIAN

RAY SOUSA

TASK FORCE BRAVO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA FIRE DEPARTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with