^

Metro

Araw ng Kababaihan sa QC, pinatingkad ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatingkad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang kahapon ng Araw ng Kababaihan sa lungsod sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programang naisalang dito.

Bago ito, sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga kababaihang dumalo sa okasyon, hiniling ni Belmonte ang pagtayo ng mga kababaihan sa sarili para umunlad ang kanilang buhay.

 “Tumayo tayo sa sarili at wag umasa sa iba, itaguyod natin­ ang karapatan ng mga kababaihan na may paninindigan, pananampalataya at pagmamahal,” dagdag pa ni Belmonte.

Bilang panauhing pandangal sa okasyon, sinabi naman ni  Bicol Rep. Lenny Robredo na hindi dapat magtiis ang mga kababaihan kung walang kakayahan na kumita para sa pamilya at umaasa lamang sa kanilang asawa. Ang kagawiang ito anya ay dapat na maputol dahil panahon na ng mga kababaihan na bumangon para sa pamilya.

Sinabi rin ni Belmonte na kailangang maipagpatuloy ng bawat kababaihan ang kanilang laban para sa pantay-pantay na pamumuhay para sa bawat pamilya at mga mahal sa buhay.

Ipinagkaloob din  ni Belmonte sa hanay ng mga single mom na benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ batch 1 ang  ATM BDO cards na naglalaman ng puhunan na maaaring magamit sa kanilang mapapagkakitaan at sa pamilya.

Sinabi din nito na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lokal na pamahalaan ng bansa ay una na ang QC na magtatayo ng Micro-Small Entreprenuer Office na siyang tutulong sa mga taga-lungsod na magkaroon ng hanapbuhay.

 Sa ngayon anya ay Sikap Buhay lamang mayroon sa QC hall na handang magpautang sa mga nais na magkaroon ng maliit na puhunan pero kapag naitayo na anya ang Micro-Small Entreprenuer Office ay higit na mabibigyan ng kaalaman ang mga taga-lungsod kung paano paunlarin ang kanilang ka­buhayan.

 

vuukle comment

ATE JOY

BELMONTE

BICOL REP

LENNY ROBREDO

MICRO-SMALL ENTREPRENUER OFFICE

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SIKAP BUHAY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with