^

Metro

Sa pagtupad sa Papal visit 2,600 tauhan ng MMDA, binigyang parangal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 2,600 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang binigyan ng parangal kahapon ni Chairman Francis Tolentino dahil sa ipinakitang dedikasyon ng mga ito sa kanilang serbisyo hinggil sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Nabatid na merit badge at certificate of commendation ang iginawad na parangal ni Tolentino sa mahigit 2,000 tauhan nito.

Matatandaan  na binubuo ang mahigit dalawang libong mga traffic enforcers ng ahensiya at mga tauhan  nito mula sa Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG), Road Emergency Group, Public Safety Division, Metro Park Clearing Group, Traffic Engineer Center at Metro Base para tumulong sa pagbibigay ng assistance sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis.

Hindi lamang nakatutok ang mga tauhan ng MMDA sa pangangasiwa ng maayos ng daloy ng trapiko  habang naririto sa bansa ang Santo Papa kundi  naging bahagi  rin ang  mga ito sa pagbabantay  at seguridad ng Santo Papa.

Naging maagap na  paglilinis ng mga ito sa mga iniwang kalat sa lansangan.

Ayon kay Tolentino, hindi naging madali ang trabaho ng kanilang mga tauhan na halos karamihan ay walang tulog at pahinga para lamang magawa ng maayos ang kanilang trabaho. Sa katunayan, ay nagkakasakit na ang ilan sa kanila dahil madalas naarawan at nauulanan kaya marapat lang bigyang pagkilala ang kanilang nagawa.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METRO BASE

METRO PARK CLEARING GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

POPE FRANCIS

PUBLIC SAFETY DIVISION

ROAD EMERGENCY GROUP

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with