^

Metro

Nangholdap, bumaril sa bisita, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto kamakalawa ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa tatlong lalaking nangholdap at bumaril sa kanilang naging bisita sa isang birthday party nitong nakaraang Linggo sa naturang lungsod.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery at frustrated murder ang suspek na nakilalang si Jay Reyes, alyas “Jaypee”, 20-anyos, ng #72 Road 1 San Miguel Heights, Brgy. Marulas, Valenzuela. Pinaghahanap naman ang mga kasamahan sa krimen na sina Christian Reyes, ng Langaray, Dagat-dagatan, Caloocan City at isang alyas “Raymond”.

Nagpapagaling naman sanhi ng tinamong tama ng bala sa may nguso sa Fatima Medical Center ang biktimang si Ralph Lorenz Dela Peña, 21, estudyante, ng Tower A, 9th Flr. Isabelle de Valenzuela, MacArthur Highway, Brgy. Marulas, ng naturang lungsod. Sa ulat ng pulisya, inimbita ni Jay Reyes ang biktima sa selebrasyon ng kanyang kaarawan nitong nakaraang Linggo sa may Maresa sa Brgy. Marulas.  Dakong alas-12:01 ng hatinggabi, nagpaalam na ang biktima na uuwi na at inihatid pa ng tatlong suspek. Habang nasa R. Delfin Street, tinutukan ng baril ni Jay Reyes ang biktima at nagdeklara ng holdap.  Posibleng pumalag umano si Dela Peña kaya binaril ito ng suspek at saka tinangay ang mamahaling Samsung cellular phone at bag nito na naglalaman ng salapi.

Agad na tumakas ang mga suspek habang nakahingi ng saklolo ang biktima sa isang tricycle driver na nagsugod sa kanya sa pagamutan. Sa ikinasang follow-up operation, nasakote nina Police Chief Insp. Arthur Quinones ang suspek na si Jay Reyes malapit sa bahay nito at narekober sa kanyang posesyon ang cellphone na tinangay sa biktima.  Patuloy naman ang manhunt operation laban sa dalawa pang nakalalayang suspek.

vuukle comment

ARTHUR QUINONES

BRGY

CALOOCAN CITY

CHRISTIAN REYES

DELA PE

DELFIN STREET

FATIMA MEDICAL CENTER

JAY REYES

MARULAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with