^

Metro

Lalaking nagtangkang tumalon sa gusali, nailigtas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip matapos ang siyam na oras ang isang cons­truction worker na unang nagtangkang tatalon buhat sa ika-pitong palapag ng isang gusali sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dinala na sa pagamutan upang isailalim sa medical check-up ang lalaki na inis­yal na nakilalang si Melbert Mojeres, trabahador sa ginagawang gusali sa may Service Road, Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang umakyat sa ikapitong palapag ng gusali si Mojeres at nagbantang tatalon. Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Pasay City Police, Pasay Fire Department at Pasay Rescue Team.

Dumating rin ang mga kaanak ni Mojeres na siyang nakiusap sa kanya upang huwag nang ituloy ang binabalak. Dakong alas-9:30 ng gabi nang tuluyang mahatak ng mga bumbero si Mojeres at mailayo sa ka­pahamakan.

Nabatid naman na problema sa kanyang pamilya ang umano’y nag-udyok sa biktima para pagtangkaan ang sariling buhay.

Inaalam naman ng pu­lisya sa mga manggagamot na sumuri kay Mojeres kung nasa impluwensya ito ng alak o droga o kung wala sa matinong pag-iisip. Posible rin umanong makasuhan ng “alarm and scandal” si Mojeres.

 

vuukle comment

DAKONG

MELBERT MOJERES

MOJERES

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY FIRE DEPARTMENT

PASAY RESCUE TEAM

ROXAS BOULEVARD

SERVICE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with