Taas pasahe sa MRT, LRT haharangin
MANILA, Philippines – Iba't ibang grupo ang susubok kumuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagtataas singil ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa Enero.
Sinabi ni Renato Reyes Jr., secretary general ng militanteng grupong Bayan na hihingi ng TRO ang grupong Bayan at Riles and Tren sa pagbubukas ng korte sa Enero 5, 2015.
Dagdag niya na tutulungan sila ng National Union of People's Lawyers.
"We will question the basis for the increase, the authority of the agencies who approved the hike, and the process by which the increase was approved. We hope to get a TRO soon,"
Nanawagan din si Reyes sa publio na samahan sila sa pagharang sa nakaambang taas pasahe.
"We call on commuters to support this initiative by joining various protest actions leading up to January 5 and beyond ... and let the world know that the Filipino people are resisting its unjust impositions."
Nakabakasyon ang mga korte ngayong holiday season kaya naman sa Enero 5 pa ito magbubukas.
Nauna nang sinabi ni Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya na wala nang atrasan ang taas pamasahe sa LRT at MRT.
Dagdag niya na para rin sa ikagaganda ng serbisyo ng MRT at LRT ang pagtataas ng pamasahe sa Enero 4, 2015.
"This is the right thing to do. Alam ko marami kaming batikos na tatanggapin dito but it's about time."
Tiniyak naman ni Abaya na kung makakapaglabas ng TRO ang korte ay susundin nila ito.
Sa ipatutupad na taas pamasahe ay aabot na sa P28 ang pinakamahal na pamasahe sa MRT mula North Avenue hanggang Taft Avenue at pabalik, habang P30 na ang dulu-dulong biyahe sa LRT 1 mula Baclaram hanggang Roosevelt.
Aabot naman sa P25 ang biyahe ng LRT 2 mula Santolan station hanggang Recto station.
- Latest