^

Metro

Mga pulis binalaan sa indiscriminate firing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahaharap sa mga kaso  at sisibakin sa puwesto ang sinumang pulis na masasangkot sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang mariing babala  kahapon ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina matapos na selyuhan na kahapon ang dulo ng mga baril ng mga pulis sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Nasa 150,000 pulis ang nagpartisipa sa pagseselyo ng dulo ng kanilang mga baril na isinagawa ng PNP sa buong bansa.

Ayon kay Espina, lahat ng pulis na nagpapaputok ng kanilang mga baril ay isasailalim sa imbestigasyon upang malaman kung legal ito o yaong nasa misyon lamang at kung illegal discharge of firearms  ay tiniyak ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga ito.

“We have to investigate first why they fire their guns baka it is in line with duty we will inquire and then after that we will make unnecessary decision pagka-indiscriminate or illegal yung discharge ng fire arms that’s grave misconduct”, babala pa ni Espina kung saan posibleng maharap sa pagkakadismis sa serbisyo ang mga lilitaw na pasaway na pulis.

Sa kasalukuyan, nasa heightened alert ang PNP upang tiyakin ang magiging ‘gun free’ ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon at nasa hurisdiksyon na ng mga Regional Police Directors kung itataas sa full alert ang estado ng alerto.

Ayon kay Espina, nais lamang makatiyak ng PNP na walang masasangkot sa indiscriminate firing sa kanilang hanay at kung mayroon mang susuway ay madali itong mabubuking upang mabigyan ng kaukulang kaparusahan.

Sinabi naman ni Chief Supt. Alberto Supapo, Acting Director ng PNP Support Service  na sa pamamagitan ng simultaneous firearms muzzling, binusalan ng tape ang mga service firearm ng mga pulis at maaari lang itong iputok sa panahon ng misyon.

vuukle comment

ACTING DIRECTOR

ALBERTO SUPAPO

AYON

BAGONG TAON

CAMP CRAME

CHARGE P

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

ESPINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with