Malakihang earthquake drill, kasado na sa Quezon City
MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Quezon City ang kanilang pakikiisa sa takdang pagsasagawa ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang drill sa lungsod ay isasagawa sa Quezon Memorial Circle (QMC) bukas, Nobyembre 14 ganap na alas-9 ng umaga.
Ang earthquake drill ay pangungunahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na dadaluhan ng mga piling barangay ng lungsod at mga empleado ng QC hall, QC Police District, QC Bureau of Fire Protection, mga tauhan sa mga paaralan at pagamutan.
Sa pamamagitan ng earthquake drill ay malalaman ang kahandaan ng lungsod sa pagtama ng kalamidad tulad ng lindol.
Armado ng mga makabagong kagamitan at pasilidad at drill at mayroon din ditong mga stage camps, incident command posts (ICP), helibase, soup kitchen at evacuation camps sa QC Memorial Circle.
Gagamitin naman ng QCDRRMC ang Incident Command System forms (ICS) para matiyak na ligtas ang lahat ng kasali sa drill at maayos na mapapangasiwaan ito.
- Latest