^

Metro

Ninakaw na RTW goods, umabot sa P10 milyon Chinese supervisor ipinakulong ng amo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakulong ng negos­yanteng Tsino ang kanyang supervisor na isa ring Chinese  makaraang madiskubre na may tatlong taon na  siyang pinagnanakawan sa kanyang RTW (ready-to-wear) store na aabot na sa P10 milyong halaga, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Inaresto dakong alas-7 kamakalawa ng gabi ng mga tauhan ng Pasay Police ang suspek na si She Jin Dui, 24, binata, at stay-in sa Unit 2002 Tower Artel Seaview, Roxas Blvd., ng naturang lungsod.

Dinakip ang suspek habang nakaduty sa trabaho sa Two Shopping Mall sa may Cuneta St., cor. Taft Avenue makaraang isuplong ng amo nitong si Harry Go.

Nag-ugat ang reklamo nang magsumbong ang ibang manggagawa ni Go sa ginagawang pagnanakaw umano ni She. Tuwing hatinggabi umano, inilalabas ni She ang saku-sakong RTW na umano’y idi-deliber.

Dahil dito, pinanood ni Go ang footages ng CCTV camera­ sa kanyang bo­dega at nakumpirma ang mga sumbong kaya pinaaresto ang tauhan. Aabot na umano sa P10 milyon ang ma­aaring na­nakaw sa kanya mula noong 2011.

Itinanggi naman ng suspek ang mga akusasyon sa kanya ng amo na nagsampa na ng kasong qualified theft sa piskalya.

vuukle comment

CUNETA ST.

HARRY GO

PASAY CITY

PASAY POLICE

ROXAS BLVD

SHE JIN DUI

TAFT AVENUE

TOWER ARTEL SEAVIEW

TWO SHOPPING MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with