^

Metro

Mandaluyong ordinance vs riding-in-tandem, gagawing permanente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Mandaluyong City government na gawin nang permanente ang kanilang ipinatutupad na ordinansa laban sa mga riding-in-tandem sa lungsod.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, simula nang ipatupad nila ang Ordinance No. 550 ay wala nang naitalang anumang krimen na may kinalaman sa mga naka-motorsiklong kriminal sa kanilang lungsod.

Aniya, malaking tulong din ang ordinansa dahil napa­natag ang mga mamamayan nila nang iimplementa ito noong Setyembre 4.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal sa mga lalaking hindi mag-ama o magkapatid ang mag-angkas sa iisang motorsiklo.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng P1,000 hanggang P3,000 multa.

Una nang dumami ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem.

Sa datos ng pulisya at local government unit ng lungsod, may 19 na naitalang kaso ng krimen na may kinalaman sa mga riding-in-tandem noong Setyembre 2013 habang pumalo naman sa 38 ang kasong sangkot ang mga naka-motorsiklong suspek bago ipatupad ang ordinansa ngayong 2014.

vuukle comment

ANIYA

AYON

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

NANG

ORDINANCE NO

PINAG

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with