P2.2-M shabu at mga kagamitan sa paggawa nito, winasak
MANILA, Philippines - Aabot sa P2.2 milyong halaga ng mga kemikal at laboratory equipment na gamit sa produksyon ng shabu ang ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kahapon
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang mga sinirang kemikals at mga non-drug evidence ay mga nai-turn over sa kanila at inatasan ng korte na wasakin.
Sabi ni Cacdac, may kabuuang 993.50 litro ng liquid chemicals at 169,721 gramo ng solid chemicals (tulad ng ammonium formate, magnesium sulfate, activated carbon, iodine, red phosphorus at sodium hydroxide) ang sinira sa pamamagitan ng chemical treatment method.
Ang mga laboratory equipment tulad ng heating mantles, electric burner, thermometer, separatory funnel, hot plate, iron stand, condenser, beaker, at glass wares na nakumpiska sa ginawang anti-drug operations ay pinagpapalo para mapigilan ang posibleng paggamit muli sa mga ito.
Ang aktibidad ay ginawa sa Green Planet Management, Incorporated (GPMI) sa Brgy. Punturin, Valenzuela City, isang accredited treatment facility ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa kahalating taon ng 2014, umabot na sa P1.8 billion ang halaga ng iligal na droga ang winasak ng ahensiya.
- Latest