^

Metro

2 holdaper bulagta sa engkuwentro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulagta ang dalawang holdaper  matapos na makipag-palitan ng putok sa mga rumispondeng awtoridad, ilang minuto makaraang holdapin ang isang pampasaherong jeep sa Payatas, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga nasawi, kung saan isinalarawan ang isa sa taas na 5’, payat, may kaputian, nakasuot ng kulay green na t-shirt, at maong na pantalon, may tattoo sa kanang balikat na  “Palomar” at sa likod na “Nestor Nava” at kaliwang balikat na “Bong”.

Habang ang isa naman ay may taas na 5’3’’, moreno, katamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na maong pants, itim na leather shoes at may tattoo sa gawing itaas ng likuran na “Commando M Zalnodin Galong.

Sa ulat na ipinarating kay Quezon City Police District (QCPD) director   Chief Superintendent Richard Albano, nangyari ang enkwentro dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa Samar Street, AMLAC Subdivision, Payatas sa lungsod.

Bago ito, sumakay umano ang mga suspek sa isang pampasaherong jeep (UVU-605) na minamaneho ni Michael Adel at nakihalubilo sa limang mga pasahero.

Pagsapit sa may Payatas Road, malapit sa Samar St., biglang naglabas ng mga baril ang mga suspek at nagdeklara ng holdap. Nang makuha ang pakay sa mga pasaherong biktima ay agad na nagsipagbabaan ang mga suspek saka sumakay sa naghihintay na sasakyan nilang motorsiklo at tumakas papalayo.

Agad namang nagsumbong ang mga biktimang pasahero at driver ng jeep sa himpilan ng Police Station-6 na mabilis na nagsagawa ng follow-up operation sa lugar.

Pagsapit sa may kahabaan ng San Climente Road, Brgy. Payatas, ay naispatan ng mga biktima ang isa sa mga suspek na bitbit ang kulay pulang shoulder bag ng isa sa biktima, sanhi para pigilan ito ng mga pulis.

Nagpakilala ang mga ope­ratiba sa mga suspek, subalit imbes na sumuko ay bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga ope­ratiba hanggang sa mauwi ito sa ingkwentro at nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Samantala, narekober sa dalawang suspek ang bag at mga gamit ng biktimang si Ropero at dalawang kalibre 38 na baril at mga basyo ng bala nito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insi­dente.

vuukle comment

CHIEF SUPERINTENDENT RICHARD ALBANO

COMMANDO M ZALNODIN GALONG

MICHAEL ADEL

NESTOR NAVA

PAGSAPIT

PAYATAS

PAYATAS ROAD

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with