^

Metro

Kaso ng carnapping tumaas – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo ng halos kalaha­ting porsiyento ang bilang ng mga naitalang kinarnap na mga sasakyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa opisyal kahapon.

Base ito sa ipinalabas na data ni Chief Supt. Arrazad Subong, Director ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG), mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito.

Sa report ng PNP-HPG, mula sa dating bilang  na 1,881  na mga nakarnap na  motor vehicle at motorcycle mula Enero hanggang Hunyo 2013 ay umabot na ito ngayon sa 3,027 na kaso sa kaparehong unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Subong, karamihan sa mga kinarnap ay mga motorsiklo na umaabot sa 2,866 ang bilang at 394 naman ang motor vehicles o mga sasakyang apat ang gulong na naitala sa unang anim na buwan ng 2014.

Samantalang sa kaparehong period  noong 2013 ay naitala naman sa 303 ang nakarnap na mga motor vehicle at nasa 2,278 naman ang motorsiklo.

Lumilitaw rin na pinakamarami ang naitalang kinarnap na behikulo noong Pebrero 2014 kung saan umabot  sa 639 kaso kumpara sa rekord na 315 noong nakalipas na taon.

Binigyang diin ng opisyal , ginagawa lahat ng PNP-HPG ang makakaya nito upang  ma­supil ang operasyon at pamama­yagpag ng mga carnapping gang na karamihan ay nag-ooperate sa mga kalunsuran partikular na sa Metro Manila.

Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ng carnapping sa bansa ipinagmalaki naman  ng PNP na bumaba naman daw ang mga insidente ng kriminalidad sa bansa.

Lumalabas sa rekord ng PNP na mula sa naitalang total crime volume na 410,665 kaso noong 2013 ay bumaba naman ito ngayong 2014 sa rekord na 346,469 kaso mula Enero hanggang Hunyo.

Samantalang ang crime clearance efficiency ay nasa 38.45% sa 2013 habang sa pagpasok ng unang anim na buwan ng 2014 ay nasa 49.87% naman ang naitala.Ang crime solution efficiency ay nasa 26.77% sa rekord ng 2013 kumpara sa 36.15% naman sa taong kasalukuyan.

Idinagdag pa ng PNP na lumilitaw na nasa 70 ang average montly crime rate noong 2013 habang bumaba na lamang ito sa 58 kaso sa taong 2014. 

ARRAZAD SUBONG

CHIEF SUPT

ENERO

HIGHWAY PATROL GROUP

HUNYO

METRO MANILA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with