^

Metro

Anak, 10 taon ginawang sex slave ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas ang kal­baryo ng isang dalaga sa kamay ng kaniyang sariling ama na sampung taon siyang ginawang sex slave matapos na masakote ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Vale­riano Letegio, 58, residente ng Sitio Taguima, Brgy. Lugdungan ng nasabing siyudad.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang suspek ay inaresto matapos na magkalakas loob na ang biktimang itinago sa pangalang Bella, 19, 4th year high school  na isuplong sa mga awtoridad ang manyakis niyang ama.

Bandang alas-2:50 ng hapon nitong Hulyo 28 nang samahan ng kaniyang ina ang biktima para ipagharap ng reklamo sa mga awtoridad ang suspek.

Sa testimonya ni Bella, nagsimula siyang halayin ng kanyang ama noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang na kadalasan ay sa tuwing wala umano sa bahay ang kanilang ina at ang huling pangyayari  ay kamaka­lawa ng umaga.

Ayon sa biktima, dakong alas-5:45 ng umaga habang papasok siya sa eskuwelahan nang harangin at kaladkarin siya ng  ama sa damuhan sa Sitio Macasawad, Brgy. Isis, Polanco at doon ay muling ginahasa.

Sinabi ng biktima na matagal na panahon siyang nanahimik dahilan sa banta ng kaniyang ama na papatayin sila ng kaniyang ina pero dahil sa hindi na niya matiis ang pambababoy nito sa kaniyang pagkababae ay napilitan ng ipagtapat ang insidente.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong multiple counts ng rape.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BELLA

BRGY

DIPOLOG CITY

HULYO

POLICE REGIONAL OFFICE

SITIO MACASAWAD

SITIO TAGUIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with