^

Metro

Pangongotong huli sa CCTV 15 traffic enforcers ng MTPB sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 15 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang  sinibak ni Manila Mayor Joseph Estrada makaraang mahuli sa closed circuit television ang  ginagawang  pangongotong sa mga motorista sa  Maynila.

Ayon kay Estrada, nakakalungkot lamang   na malaman na ito ang  isinusukli  ng mga enfor­cers sa ginagawa ng  city government  na mabig­yan ng  trabaho ang  mga Manilenyo.

Kitang-kita sa mga CCTV na nakakalat sa  lung­sod  ang  negosas­yong ginagawa ng mga traffic enforcers sa mga motorista na lumalabag sa  batas trapiko.

Sinabi naman ni Ma­nila Vice Mayor Isko Mo­­reno na dapat na pinahahalagahan ng mga enforcers ang kanilang trabaho lalo pa’t ngayon lamang ito naipatupad. Aniya, ang 20 porsi­yen­tong komisyon ay ma­tagal nang dapat na­ipatupad subalit hindi nai­sagawa ng nagdaang  administrasyon.

“Lahat tayo may pro­blema at lahat tayo ay dumadanas ng hirap pero dapat na mahalin natin ang trabaho natin  dahil ito ang  tutulong sa atin”, ani Moreno.

Nalulungkot lamang si Moreno sa kanyang nakita sa CCTV dahil pi­nabababa ng mga en­forcers ang kanilang  dig­nidad na pilit nilang itinataas ni  Estrada.

Sinabi ni Moreno na ang pagbibigay ng  komis­yon sa mga traffic enforcers ay tulong na rin  pagbaba ng unemployment rate ng lungsod. Aniya, sinayang ng mga  enforcers ang pagkaka­taon na makapagtrabaho gayong­ marami sa mga Pilipino ang hirap na makahanap ng trabaho.

Ayon naman kay MTPB Carter Don Lo­gica, hindi naman sila nagkulang ng paalala sa kanilang mga tauhan kung saan dumaan pa ang mga ito sa seminar at training.

Aniya, kailangan la­mang nilang ipatupad ang batas lalo pa’t pi­nabibilis at inaayos ang mga daloy ng trapiko sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

 

ANIYA

AYON

CARTER DON LO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with