^

Metro

Kaso vs lehitimong negosyante ibasura -- KAP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela kahapon­ kay Immigration Com­mis­­­­sioner Siegfred Mison ang Korean Association in the Philippines (KAP) na ibasura ang deportation complaint na isi­nampa ng isang law firm laban sa Korean busi­­nessman na may 27 taon nang nagne­negosyo sa bansa.

Ayon sa KAP dapat na umanong idismiss ang deportation petition laban kay Korean Kang Tae Sik ng Tan Federis and Associate Law Office dahil sa umano’y pagiging malisyoso at vindictive  nang tapusin ni Kang ang serbisyo ng nasabing law firm.

Lumilitaw na mali­ban sa deportation com­­plaint, nagsampa din ang naturang law firm ng  estafa  laban kay Kang sa National Bureau of Immigration (NBI) at sa  Department of Justice.

Batay sa kanyang affidavit kay Mison, si­nabi ni Kang na ang  law firm ay consultant at business adviser sa kanyang  export-import company, Korean food at beverage, na nakabase sa Parañaque City, sa loob ng 10 taon.

Nakakuha umano ng mga  importante at sensitibong dokumento ang law firm hanggang sa magdesisyon si Kang na  tapusin ang  serbisyo ng  law firm.

Kasunod nito ay na­laman na lamang ni Kang na mayroon na ring export-import business  ng Korean goods ang nasabing law firm na  kanyang kakompetensiya sa  negosyo. Sinabi ni  Kang  na mayroon siyang clearance mula sa NBI, updated travel documents, working visa at identification cards issued na inisyu ng BI.

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIRM

IMMIGRATION COM

KANG

KOREAN ASSOCIATION

KOREAN KANG TAE SIK

LAW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with