^

Metro

Negosyante nawalan ng halos P3M sa mga pekeng pulis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa halos P3 milyon ang natangay ng mga armadong kalalakihan matapos pasukin ang bahay ng isang negosyante sa Makati kagabi.

Walang nagawa ang 35-anyos na biktimang si Mark Anthony Yamson nang pasukin ng limang kalalakihan ang kanyang bahay sa kalye ng Santol sa Barangay San Antonio bandang alas-7 kagabi.

Bago manloob ay sumigaw ang mga suspek na “Pulis kami, nasaan si Ariel” bago inilabas ang kanilang mga baril.

Natangay ng mga suspek ang dalawang laptop computers, iba't ibang alahas, mobile phones, relong Rolex na nagkakahalaga ng P550,000, elephant tusk ivory na may halagang P500,000 at ang kanilang kahadeyerong may lamang P752,000.

Ikinulong pa si Yamson ng mga suspek sa isang kuwarto.

Patuloy pa ring ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang tinutugis ang mga suspek.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY SAN ANTONIO

IKINULONG

MAKATI

MARK ANTHONY YAMSON

NATANGAY

PATULOY

ROLEX

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with