20 pasyente libre sa CT SCAN sa Taguig Hospital
MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng Computed Tomography (CT) scan ang Taguig-ÂPateros District Hospital sa unang 20 pasyente na nangangailaÂngan ng eksaminasyon.
Ipinagmalaki ni Mayor Lani Cayetano na nitong Mayo 29, binuksan ang bagong CT scan facility ng naturang pagamutan para magbigay ng mas mahusay na serbisyong medikal sa lungsod.
Bukod dito, binuksan na rin ang bagong Tuberculosis Directly Observed Treatment Shortcourses (TB-DOTS) clinic.
Bukod sa libreng serbisyo sa unang 20 pasÂyente, magbibigay naman ng 40% diskuwento sa mga susunod na pasyente sa CT scan.
“Before our procurement of the CT scan, patients had to go to other hospitals for their scans. With this new facility available 24/7 there will be no unnecessary delays in diagnosis and treatment,†ayon kay Cayetano.
Una namang inilunsad ng pamahalaang lungsod ang programang “Doctor On Call (DOC)†na nagbibigay ng agarang medikal na atensyon sa loob ng 24 na oras kada araw. Maaari lamang tumawag sa telepono bilang #225-1833 at 0917-821-0896, at bibisita ang isang doktor mismo sa kanilang tahanan.
- Latest